Handog ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sa pamamagitan ng Office of the Surgeon General (OTSG), katuwang ang Philippine Society of Newborn Medicine (PSNbM), narito muli ang isang makabuluhan at napapanahong talakayan tungkol sa kalusugan ng mga buntis na ina at kanilang mga sanggol.

Inaanyayahan ang lahat na makinig sa Health Camp segment sa AFP DWDD 1134 kHz AM, o manood nang live sa Facebook at YouTube sa 15 Oktubre 2026 (Huwebes), mula 8:00 hanggang 9:00 ng umaga, para sa episode na pinamagatang:
“Bantay Diabetes sa Pagbubuntis”

Makibahagi sa mahalagang talakayan tungkol sa Gestational Diabetes Mellitus (GDM), isang uri ng diabetes na maaaring maranasan habang nagbubuntis. Alamin ang kahalagahan ng maagang pagtuklas, wastong pangangalaga, at pag-iwas sa mga posibleng komplikasyon na maaaring makaapekto sa kalusugan ng ina at ng kanyang sanggol.
Sama-sama nating itaguyod ang ligtas at malusog na pagbubuntis, wastong pangangalaga sa bagong silang na sanggol, at mas malawak na kaalaman sa kalusugan para sa isang mas malusog na AFP Community at mas matatag na bansa.

https://www.facebook.com/dwdd1134

#StrongAFPStrongPhilippines
#OneHealthOneMission
#AFPHealthCamp
#BantayDiabetesSaPagbubuntis
#GestationalDiabetes
#HealthyMomHealthyBaby See less